
Spotted ang ilang Sparkle at Kapuso celebrities sa annual event ng isang local fashion and lifestyle magazine kamakailan.
Rumampa ang nagniningning na stars sa naganap na “The Mega Ball Fashion + Dance” suot ang kanilang stylish outfits at kabilang sa attendees sina global fashion icon Heart Evangelista, Sparkle star Kyline Alcantara, versatile actress Max Collins, Hating Kapatid stars Mavy at Cassy Legaspi, at marami pang iba.
RELATED GALLERY: Heart Evangelista, Gabbi Garcia, other Kapuso stars at the Mega Ball 2025
Dahil naganap ang Mega Ball nitong Independence Day (June 12), tinanong ng GMA Integrated News entertainment correspondent na si Aubrey Carampel ang ilang Kapuso stars kung bakit at saan sila malaya.
“Ako, malaya ako sa judgement ng tao. I live with my own pace. Hindi ko hinahayaan 'yung sarili ko na makulong sa tingin ng tao,” sagot ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition host na si Gabbi Garcia.
Pagbabahagi naman ni Kapuso actor Khalil Ramos, “Malaya ako sa artistry at sa creative space. Isa akong talagang die-hard artist.”
Ayon naman kay The Clash panel member Christian Bautista na siya ay malayang umibig.
Para naman kay Sanggang Dikit FR actress at award-winning food content creator Abi Marquez, siya ay malaya sa kusina.
Panoorin ang buong 24 Oras report sa video na ito.