Celebrity Life

Ilang Kapuso stars, may big roles sa debut ni Bea Binene

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 5, 2020 1:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Sino nga kaya ang first at last dance ni Bea?
By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Excited ang Kapuso star na si Bea Binene sa nalalapit niyang debut party na gaganapin sa isang hotel sa November 3. Pakiramdam ng aktres ay bagong chapter sa buhay niya ang magsisimula kaya ang matatalik niyang kaibigan sa showbiz ang napili niyang maging bahagi ng kanyang special day.

“Siguro mangyayari ‘yan naturally. Hindi mo naman pinipilit na ‘hindi kailangan magbago ‘to, kailangan ganyan kasi 18 na ako’,” paliwanag ni Bea sa 24 Oras tungkol sa magiging pagbabago sa kanyang ganap na pagdadalaga.

Pinangalanan din niya ang mga Kapuso stars na may big roles sa kanyang debut celebration.

“18 candles ko kasama dyan si Barbie (Forteza), Louise (delos Reyes), Joyce (Ching), Krystal (Reyes). Sila ‘yung nasa dulo,” sambit niya.

“Kapag sa 18 roses, nadyan si Alden (Richards), Miguel (Tanfelix), si Ken (Chan), si Derrick (Monasterio, si Kristoffer (Martin),” patuloy ni Bea.

Si Alden ang nais na maging first dance ng aktres, habang si Kristoffer naman ang kanyang magiging last dance.

READ: Alden Richards at Kristoffer Martin, first at last dance ni Be Binene sa debut 

Video courtesy of GMA News