What's Hot

Ilang Kapuso stars, paparangalan sa Ika-21 Gawad Pasado Awards

By Jansen Ramos
Published May 18, 2019 2:41 PM PHT
Updated May 18, 2019 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Nakatakdang parangalan ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro ang ilang Kapuso stars para sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng pag-arte sa Ika-21 Gawad Pasado Awards.

Nakatakdang parangalan ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro ang ilang Kapuso stars para sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng pag-arte sa Ika-21 Gawad Pasado Awards.

Gloria Romero, Aiai Delas Alas, Sunshine Dizon, at Arnold Clavio
Gloria Romero, Aiai Delas Alas, Sunshine Dizon, at Arnold Clavio

Gaganapin ito ngayong araw, May 18, sa Quezon City Polytechnic University sa Novaliches, Quezon City.

Gagawaran bilang Pinakapasadong Aktres sina Gloria Romero at Aiai Delas Alas, habang paparangalan naman bilang Pinakapasadong Katuwang na Aktres si Sunshine Dizon.

Samantala, kikilalanin din ng organisasyon si Arnold Clavio bilang Pinakapasadong Mamamahayag sa larangan ng kamalayang Pilipino.

Congratulations, Kapuso!