GMA Logo The Penthouse 3
What's Hot

Ilang mga eksena sa 'The Penthouse 2,' balikan!

By EJ Chua
Published January 24, 2022 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse 3


Bago mag-umpisa ang bagong season ng 'The Penthouse' sa GMA, balikan muna natin ang ilang mga eksena sa 'The Penthouse 2.'

Isa ang most-talked about drama series na The Penthouse sa K-dramas na labis na minahal ng mga Pinoy.

Unang napanood sa GMA ang first season nito noong April 2021 at agad ding ipinalabas ang The Penthouse 2 noong September 2021.

Ito ay tungkol sa mayayamang pamilya na nakatira sa 100-story luxury apartment na Hera Palace.

Ang The Penthouse ay pinagbibidahan ng ilang award-winning Korean actors tulad nina Um Ki Joon, na nakilala ng mga manonood bilang si Dante; Yoon Jong-hoon, na gumanap bilang si Anton; Lee Ji-ah, bilang si Simone; Eugene, bilang si Cindy; at Kim So Yeon bilang si Scarlet.

Narito ang ilang eksena sa The Penthouse 2:

1. Justice for Rona

Nang mawala sina Rona dahil sa isang aksidente, tinulungan ni Logan na makabangon si Cindy upang makamit ang hustisyang inaasam nito para sa kanyang anak.

2. The revenge

Ang mga magkakaaway noon ay nagsanib-pwersa para pabagsakin si Dante.

Nakipagtulungan si Allison at Scarlet kay Cindy at Logan upang maisagawa ang kanilang paghihiganti kay Dante.


3. Justice for Anna

Isa-isang ipinakulong ni Simone ang mga taong sangkot sa pagkamatay ng kanyang anak na si Anna.

At matapos makamit ang inaasam na hustisya, agad na bumalik si Simone sa Hera Palace upang makasama ang itinuturing na mga anak na sina Stephanie at Spencer.

4. Another threat and tragedy

Buong paniniwala ni Simone ay maayos na ang lahat dahil nakakulong na ang mga taong nagkasala sa kanya.

Ngunit isang araw, sa mismong petsa ng pagbabalik ni Logan, isang trahedya ang nangyari bago pa sila magkalapit ni Simone. Isang matandang lalaki ang tumapat sa kotse ni Logan at pinasabog ito sa harap mismo ni Simone.

Sino kaya ang may kagagawan ng pagsabog sa labas ng opisina ni Simone?

Sinu-sino ang magbabalik? At sinu-sino naman ang mawawala?

Sabay-sabay nating abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa The Penthouse 3, malapit na sa GMA Telebabad!

Samantala, tingnan ang top 10 trending K-dramas na minahal ng mga Pinoy noong taong 2021 sa gallery na ito: