
Ilang mga netizens ang nagbahagi ng iba't ibang mga istorya kung bakit sila nagpabakuna kontra COVID-19 sa #FlexMoNa.
Ang #FlexMoNa ay ang online campaign ng GMA Artist Center na nagbibigay inspirasyon sa mga netizens na magpabakuna para malabanan ang COVID-19. Ilang mga GMA Artist Center stars na rin ang nagbahagi ng iba't iba nilang mga istorya kung bakit sila nagpabakuna bilang proteksyon sa kumakalat na COVID-19 virus.
Ayon sa post ng isang contact tracer na si Jam Magculang, inamin niyang ang pagdududa niya noon sa vaccine ay nawala nang makita niya ang epekto nito sa mga taong kaniyang nakakausap.
"Mahalaga talaga na protektado tayo...Noong una nag-doubt ako, pero dahil din sa trabaho ko bilang contact tracer talagang nakita ko 'yung lipit ng virus na 'yan. 'Yung mga situations na kausap mo lang 'yung patient ngayon tapos kinabukasan mababalitaan mo wala na pala."
Para kay Tere Pascual Decamora, importante ang vaccine lalo na sa mga buntis na katulad niya. Saad ni Tere, "COVID vaccine is an important way to protect ourself, our family, and others."

Photo source: Jam Magculang and Tere Pascual Decamora (Facebook)
Si Luisa Paguio Hernandez ay nagpapasalamat dahil protektado na siya laban sa COVID-19. Si Marielle Aquino, ibinahagi naman ang kahalagahan ng vaccine para maprotektahan ang bawat isa.
Photo source: @liph1947/ @marielle.aquino
Si Glorietta Gerio ay sumang-ayon sa ginawa ng mga GMA Artist Center stars na ibahagi ang kanilang vaccine experience para mawala ang takot ng iba sa pagpapabakuna. Nagpasalamat rin si Glorietta kay Alden Richards na nagsilbing lakas raw ng loob niya.
"Labanan natin ang takot at ibalik natin sa dati ang ating buhay. Thanks, nak Alden Richards, isa ka sa nagpalakas ng loob ko. #FlexMoNa"
Photo source: Glorietta Gerio (Facebook)
Narito pa ang ilang mga kuwento ng mga netizens:
Photo source: Facebook/ Instagram
Kilalanin ang mga GMA Artist Center stars na naging bahagi ng #FlexMoNa sa gallery na ito: