
Nitong nagdaang mga araw ay tuluyan na ngang nanalanta ang Bagyong Opong sa ilang bahagi ng bansa. Dahil dito, aktibo namang nakiisa ang GMA Kapuso Foundation sa pamimigay ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.
Nakibahagi rin ang mga Sparkle artists na sina Shuvee Etrata, Angel Guardian, at Brent Valdez na pag-repack ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa 24 Oras report nitong Biyernes, September 27, sinabi ni Angel Guardian na isa ito sa mga paraan para maparamdam ang kaniyang pakikiisia sa kaniyang mga kababayan.
“Kahit sa simpleng paraan, maramdaman nila na 'yung mga kababayan nila ay tinutulungan pa rin sila at nandiyan pa rin tayo para sa isa't isa,” ani Angel.
Samantala, puno ng pag-asa si Shuvee Etrata na hikayatin ang kapwa Pilipino na magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan sa kanilang mga sariling paraan.
Panghihikayat ni Shuvee, “Everybody who is able to help or who has the time to help. Hindi lang naman [...] financial [help] ang kailangan mong maibigay-- hindi lang 'yan. Hindi limitado ang puwede mong gawing pagtulong sa kapwa nating mga Pilipino. Marami pong ways.”
“With your little way, you are capable of doing something more,” dagdag ng Sparkle artist.
Gayundin si Brent Valdez, “[Sa pamamagitan nito], naipapadala natin 'yung mensahe sa mga henerasyon ngayon na tumulong din sila sa pamamaraang kaya nila.”
Kasama nina Shuvee, Angel, at Brent ang kapwa Sparkle artists na sina Ralph Miaco, Akira Kurata, Winston Stolk, Neathan Tan, Alethea Ambrosio, at Mark Oliveros sa relief operations ng GMA Kapuso Foundation.
TINGNAN ANG KANILANG PAG-REPACK NG RELIEF GOODS DITO: