GMA Logo Jordan Lim, Aljon Banaira, Ericca Laude, at Jourdanne Baldonido
Source: gmanews (FB)
What's Hot

Ilang Sparkle kids, finalist sa Sinebata Awards ng Anak TV

By Kristian Eric Javier
Published August 28, 2025 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
Saudi-backed head of Yemen's presidential council tells UAE to leave
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

Jordan Lim, Aljon Banaira, Ericca Laude, at Jourdanne Baldonido


Grateful ang Sparkle kids na sina Jordan Lim, Aljon Banaira, Ericca Laude, at Jourdanne Baldonido para sa pagkilalang kanilang natanggap mula sa video award-giving body na Sinebata.

Finalists ang Sparkle Kids na sina Jordan Lim, Aljon Banaira, Ericca Laude, at Jourdanne Baldonido para sa Children Video Makers 12 years old and under category ng Sinebata Awards ng Anak TV. Naging finalist sila dahil sa kanilang inspirational media content.

Ang Sinebata ay isang national competition ng video works para, tungkol, at gawa ng mga kabataan. Ito ang paraan ng Anak TV para tulungan ang mga kabataan na mas mailabas pa ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng parehong teknolohiya na gamit nila ngayon.

Paraan din ito para mailathala ang kanilang mga obserbasyon sa kanilang social at physical environment, at ipaalam kung ano ang pagbabagong gusto nilang makita tungkol dito.

Sa panayam nina Jordan, Aljon, Ericca, at Jourdanne kay Bernadette Reyes para sa 24 Oras nitong Miyerkules, August 27, nagpasalamat ang Sparkle kids sa natanggap na pagkilala. Nagbahagi rin sila ng ilan sa mga natutunan nila, at ng paalala para sa mga bata tulad nila.

“We're very grateful po because we got this opportunity,” sabi ni Jordan.

Ibinahagi naman ni Ericca ang isang bagay na matututunan ng mga batang tulad niya, ang iwasan ang mga gulo upang magkaroon ng kapayapaan.

Ito rin ang hiling ni Aljon, na magkabati-bati na sana ang mga tao at mawala na ang mga away at gulo sa bansa.

May bilin din si Jourdanne sa mga kabataan, “Panoorin po nila 'yung mga educational (programs) kasi if we play too much games, your brain might feed bad stuff.”

Ngayong taon, ang tema ng kompetisyon ay "The Mafic of Peace" kung saan may kategorya para sa professional at children and non-professional, kung saan kasali ang naturang Sparkle Kids.

Panoorin ang naturang report sa 24 Oras dito:

BALIKAN ANG ILANG KAPUSO CELEBRITIES AT PROGRAMS NA NANALO SA ANAK TV AWARDS NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO: