
Tampok ang ilang Sparkle stars sa pitong short films ng “Ganito Tayo Kapuso” na tumatalakay sa pitong Filipino core values.
Dumalo ang ilang Sparkle artists at Kapuso executives sa naganap na exclusive premiere ng seven short films sa Power Plant Mall Cinema, Rockwell Drive nitong Huwebes (August 7).
Featured ang Kapuso stars na sina Allen Ansay at Sofia Pablo sa pelikulang tungkol sa pagiging mapagmalasakit sa kapwa, habang si Mikee Quintos naman ay tampok sa short film tungkol sa pagiging Makadiyos.
“Actually, I'm honored na sa amin na-trust 'yung isa sa, for me, ang pinaka importanteng value kasi syempre dapat Siya 'yung inuuna natin 'di ba,” ani Mikee sa "Chika Minute" interview ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras.
Bukod dito, mayroon ding short film tungkol sa pagiging maabilidad, masayahin, mapagmahal sa pamilya, makabayan at malikhain.
Kabilang din sa cast ng short films sina Althea Ablan, Patricia Tumulak, Maey Bautista, Matt Lozano, Heath Jornales, Euwenn Mikaell, Sienna Stevens, Kzhoebe Baker, Aljon Banaira, Ericca Laude, at David Sean.
Ang proyektong ito ay bahagi ng makulay na 75th anniversary celebration ng GMA Network.
Abangan ang special Ganito Tayo, Kapuso sa mga piling sinehan, television, at online, simula August 17.
Panoorin ang buong 24 Oras report sa ibaba.