
Sa October 11 episode ng The Gift, nag-aalala pa rin si Sep (Alden Richards) kay Father Luis (Leandro Baldemor) kaya makikiusap siya kay Amor (Mikee Quintos) na bantayan ito.
Magkakaroon na naman siya ng pangitain tungkol sa pari kaya susugod sila ni Amor sa simbahan para balaan ito.
Dahil sa babala ni Sep, makakaligtas si Father Luis mula sa isang rumaragasang truck.
Panoorin ang highlights ng October 11 episode ng The Gift:
Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.