What's Hot

'Ilumina' - Ang Aklat ng Salamangka

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 30, 2020 3:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

YEARENDER: Flood control cases, complaints, referrals filed in 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Lunes ay magsisiumla na ang pinakabagong drama-fantasy series ng GMA, ang ‘Ilumina’.
Ngayong Lunes ay magsisiumla na ang pinakabagong drama-fantasy series ng GMA, ang ‘Ilumina’. Photos courtesy of GMA Network starsIsa na namang bagong drama-fantasy series ang inihahandog ng GMA para sa mga manonood, ang Ilumina. Ito ay pinagbibidahan ng tatlo sa mga pinaka-promising young actors today – sina Rhian Ramos bilang Romana, Aljur Abrenica bilang Iñigo, at Jackie Rice bilang Krisanta. Makakasama nila rito ang mga pinaka-premyadong aktor at aktres sa mundo ng showbiz ngayon, na pinangungunahan ng nagbabalik-Kapuso na si Cesar Montano, na siyang gaganap bilang si Romano; Jean Garcia bilang ang kambal na sina Melina at Elvira; Christopher de Leon bilang si Frederico; at si Ara Mina bilang Elsa. Si Romano ay isang magsasaka na madadamay sa labanan ng mga puti at itim na sorsera. Tutulungan siya ng kanyang asawang si Elsa upang malampasan ang mga pagsubok na darating sa kanilang buhay, kabilang na ang pagkakaroon ng kambal-tuko na mga anak na sina Romana at Krisanta. Malapit ang kambal sa isa’t-isa, noon pa mang magkadikit sila at kahit matapos silang mapaghiwalay. Ngunit magsisimulang magkalamat ang kanilang pagiging malapit sa pagkadiskubre ni Romana sa kanyang kapangyarihan – ang telekinesis. Si Krisanta ay walang ibang kapangyarihan kundi ang magkaron ng isang marka sa kanyang pisngi kapag siya ay galit o emosyonal. Lalong lalayo ang loob ng kambal sa isa’t-isa sa pagdating ni Iñigo, isang mayaman na binata na mamahalin ng kambal. Ito ang magiging ugat ng kanilang tunay na alitan. Lingid naman sa kanilang kaalaman ay binabantayan sila ni Elvira, na siyang ikalawang asawa ni Frederico, ang nagbayad sa pagpapahiwalay kina Romana at Krisanta at ang ama ni Iñigo. Gustong makuha ni Elvira ang Ilumina, ang Aklat ng Salamangka, at naniniwala itong sina Romana at Krisanta, ang susi upang makamit niya ang hinahangad na kapangyarihan. Abangan ang mga magiging kaganapan sa buhay nina Romana at Krisanta as they uncover secrets tungkol sa kanilang pagkatao, at alamin kung ano ang kanilang kaugnayan sa Ilumina. Iikot ang Ilumina sa labanan ng mga puti at itim na sorsera na nagnanais makamit ang makapangyarihang Ilumina.Siguradong magiging kaabang-abang ito, lalo na’t ito ay bibigyang-buhay ng acclaimed director na si Mark Reyes. Magsisimula na ang Ilumina ngayong gabi, pagkatapos ng Pilyang Kerubin only on GMA. Pag-usapan ang Ilumina sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Aljur, Rhian, and Jackie. Just text ALJUR / RHIAN / JACKIE (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) ALJUR / RHIAN / JACKIE (space ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.