
Ibinahagi ni Mikael ang kanyang saloobin tungkol sa pagganap bilang Paeng sa 'Poor Señorita.'
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Bagama't matagal nang nagpapatawa si Kapuso actor Mikael Daez sa Bubble Gang at Ismol Family, inamin ng aktor na isang malaking challenge sa kanya ang Poor Señorita dahil sa unang pagkakataon ay nabigyan siya ng isang daily comedy show.
"I've never done a daily show na mayroong pagka-comedy and I'm coming from a very heavy drama show which is My Faithful Husband with Jennylyn [Mercado] and Dennis [Trillo]," saad ni Mikael.
Kuwento ni Mikael, masaya siya ngayon sa roles na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network lalo na ang character niya sa GMA Telebabad soap na si Paeng. Aniya, "Ine-embrace ko 'yung bagong experience kasi kakaiba rin siya. Para sa 'kin, I feel very lucky and fortunate na may ganitong opportunity na talagang binabali-bali 'yung character ko."
Bukod pa rito, mas napu-push daw siya sa kanyang limitations dahil sa iba't ibang klase ng roles na ginagampanan niya. Anang aktor, "Opportunity [ko na rin 'to] na magpakita ng range, ng versatility, and at the same time [ay] mag-experiment sa sarili ko. Kaya ko ba 'to? Hanggang saan ko ba kayang dalhin 'yung character na ganito sa genre na ganito?"
Sa huli, natutuwa raw si Mikael sa audience ng Poor Señorita dahil nakatatanggap siya ng positive comments. "So far, 'yung response sa social media is very good. They (netizens) give me a lot of confidence to keep on trying out new things," pagtatapos niya.
MORE ON MIKAEL DAEZ:
Mikael Daez debuts his secret island video
Mikael Daez and Andrea Torres impress 'Fight for Love' international team
Mikael Daez fulfills dream of working abroad via 'Fight For Love'