Article Inside Page
Showbiz News
Kamakailan lamang naging regular member ng longest-running gag show na 'Bubble Gang' si Andrea Torres. Kumusta naman ang bagong comedian?

Ngayong Linggo, ang Kapuso actress na si Andrea Torres ang tatayong leader ng grupong Ligang iLike sa
Sunday All Stars.
Pero bago ipakita ni Andrea ang kanyang serious leadership skills, ibinahagi niya sa amin ang kanyang experience so far bilang isang comedian sa
Bubble Gang.
Kamakailan lamang naging mainstay ng
Bubble Gang si Andrea, at para sa kanya, ito ang highlight ng taong 2013. "Kasi parang hindi ko talaga siya expected. It's an honor to be a part of the longest-running gag show, " kwento niya.
Kahit kilala siya sa dramatic at romantic roles, si Andrea ay likas na masayahin sa tunay na buhay, kaya hindi siya nagkaroon ng problema sa pagpapatawa.
Saad niya, "Sobrang kalog ko. Pagdating sa friends at saka family, game ako sa lahat. Saka parang, ako ‘yung type na I'm not afraid to make fun of myself. So, doon ko nailalabas kasi I think hindi pa alam ‘yun, or di pa masyadong nakikita ‘yun ng mga tao sa akin."
Nag-i-ease up na rin siya sa harap ng camera dahil mas light daw ang ginagawa niya.
Dagdag pa niya, "Very light, very fun kaya parang kahit beterano na ang mga kasama mo, hindi mo mapi-feel na mahihiya ka to make jokes, (at) makipagkulitan sa kanila. ‘Yun kasi sobrang nice nilang lahat and very approachable.”
Abangan si Andrea Torres sa
Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi at sa
Sunday All Stars tuwing Linggo.
Para sa updates tungkol kay Andrea at sa iba pang Kapuso stars, mag-log-on parati sa www.GMANetwork.com.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com