
Huwag palampasin ang isa sa highest grossing films noong 2016 na pinagbidahan ng phenomenal Kalyeserye love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Ang Imagine You and Me ay iikot sa nabuong love story sa Italy nina Andrew (Alden), isang medical student na bigo sa pag-ibig, at Gara (Maine), isa namang OFW na naniniwala sa true love.
Kasama rin nina Alden at Maine sa pelikulang ito sina Jasmine Curtis-Smith, Irma Adlawan, Kakai Bautista, at Cai Cortez.
Mapapanood ang Imagine You and Me sa Pinoy Movie Date, December 2, 8:00 p.m.
Lilipad naman ang mga Mulawin para harapin ang mga Ravena na nagbabalik para maghasik ng lagim sa Avila.
Samahan sina Angel Locsin, Richard Gutierrez, Dennis Trillo at marami pang artista sa 2005 mega movie na idinirehe ni Dominic Zapata.
Abangan ang Mulawin The Movie sa Pinoy Movie Date, December 3, 8:00 p.m.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.