What's on TV

Impersonators nina KZ Tandingan, Stephen Curry, at Charo Santos, pasok sa 'Kalokalike Face 4' grand finals

By Kristine Kang
Published November 22, 2024 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kalokalike impersonators KZ Tandingan, Stephen Curry, and Charo Santos


Nagwagi sa day 4 semifinals ang “Kalokalike” nina KZ Tandingan, Stephen Curry, at Charo Santos.

Puno ng tawanan at emosyon ang ikaapat na araw ng "Kalokalike Face 4: Road to the Ultimate Face Off" noong Huwebes (November 21). Marami ang naaliw sa talento at kulitan na ipinakita ng anim na semifinalists ng kompetisyon.

Una munang umakyat sa stage ang Stephen Curry ng Bohol na si Sherwin. Komento ng karamihan, kuhang-kuha raw nito ang itsura ng basketball player. Ngunit marami naman ang nagbiro na kulang lang siya sa height ng atleta. Natawa rin ang madlang audience sa kulit ni Sherwin, na natulog na lang daw siya pagkatapos ipamalas ang kanyang basketball skills.

Sinundan naman ito ng isang musical performance mula kay Vyan, ang KZ Tandingan ng La Union. Napuri siya ng It's Showtime hosts sa kanyang kakayahan sa pagkanta at pag gaya ng vocal skills ni KZ. Bilang regalo para sa kanya, tinawagan pa ni Vice Ganda ang tototong OPM singer upang makausap si Vyan.

"Hello, Congratulations! I hope to meet you soon," sabi ni KZ sa impersonator.

"Sana sa personal po, makita ko na kayo Miss KZ," sagot ni Vyan habang naiiyak.

Musical experience rin ang handog ng Boy Abunda impersonator mula sa Northern Samar na si Proseso. Sa kanyang performance, kumanta at sumayaw pa siya kasama ang kanyang back-up dancers sa stage. Game na game rin siyang nakapanayam at nag-Fast Talk kasama ang mga hurado at host.

Ang ikaapat na "Kalokalike" contestant ay ang Charo Santos ng Cavite na si Rizz. Puno ng nostalgia ang kanyang performance nang kumanta at nagbasa ng parang totoong Ma'am Charo. Kuwento nga ni Vice, nagkomento pala ang aktres noong unang sumali ang impersonator.

"Napanood siya ni Ma'am Charo, minessage ako," tuwang sabi ni Vice. "Happy siya, aliw na aliw raw siya."

Hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng swag at talento ang Boss Toyo ng Cavite na si Jake. Marami ang humanga sa kanyang rap skills at paggaya kay Boss Toyo.

Sa huli ng kanilang face-off, nagwagi ang impersonators nina KZ Tandingan, Stephen Curry, at Charo Santos. Babalik sila sa "Kalokalike" stage ngayong Sabado (November 23) para sa grand finals.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang mga naging trending at nagwagi na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: