What's Hot

Impromptu dance covers ng SexBomb Girls, mahigit 2M views na!

By Dianara Alegre
Published December 2, 2020 11:16 AM PHT
Updated December 2, 2020 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

SexBomb Girls


Instant throwback feels ang hatid ng impromptu dance covers ng SexBomb Girls.

Instant throwback feels ang hatid ng dating mga miyembro ng SexBomb Girls na nagkaroon ng impromptu reunion kamakailan.

Pagdya-jogging lang daw talaga ang pakay nila sa kanilang mini reunion pero dahil na-miss nila ang pagsasayaw nang magkakasama, ay nauwi sa paggawa ng dance cover ang pagkikita nila.

Source: cynthiayapchingco

Kuwento ni Rochelle Pangilinan, sinubukan daw nilang sumayaw ulit dahil kaya pa naman nilang lahat umindak.

“Reunion na rin kasi ang una naman talagang plano jogging lang, magwo-workout, exercise lang talaga. Sadyang siguro 'pag nagtama ang mga mata, sayaw talaga 'yung una,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Ayon din sa report ng 24 Oras, umabot na sa mahigit 2M combined views ang impromptu dance covers nila, katunayan na na-miss ng fans ang SexBomb Girls.

“Oo, marami nga raw pinalaki ng SexBomb. Marami ring naki-reminisce at naki-throwback sa amin habang sumasayaw kami ng 'Baile',” natatawang kuwento ni Rochelle.

Patunay din ito na ang mga kanta at dance moves na pinasikat ng SexBomb gaya ng “Baile” at “The Spaghetti Song” ay buhay na buhay pa rin sa isipan ng publiko kahit mahigit dalawang dekada na ang lumipas mula nang i-release ang mga ito.

Samantala, kilalanin ang SexBomb Girls na certified mommies na ngayon: