GMA Logo Tito Abdul and Tito Marsy on  Your Honor
What's on TV

'In Aid of Bromance': Tito Abdul at Tito Marsy nagkuwento tungkol sa mga lalaking 'may motibo'

By Aedrianne Acar
Published March 13, 2026 10:57 AM PHT
Updated March 13, 2026 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Heat race past Bucks for 7th consecutive victory
Farm To Table: Food adventure with Chef JR Royol and Susan Enriquez
NAIA is one of the best airports in the world for layover food

Article Inside Page


Showbiz News

Tito Abdul and Tito Marsy on  Your Honor


Sa bagong episode ng Your Honor, ibinunyag ng comedy duo at internet superstars ang nakakakilig, nakakatuwa, at minsan ay awkward na encounters nila online.

Hahagalpak kayo sa kakatawa at siguradong kikiligin ngayong Sabado ng gabi! Muling magpapasaya ang Sanggang Dikit FR duo at content creators na sina Tito Abdul at Tito Marsy sa bagong episode ng viral vodcast na Your Honor.

This week, haharap ang dalawa sa session na pinamagatang “In Aid of Bromance: Awkward Ba?” kung saan ibinida nila ang mga nakakatuwa at minsan ay nakakailang na moments nila with fans and followers.

Sa episode teaser ng YouLOL Originals, diretsahang tinanong ni Vice Chair Buboy Villar kung meron na bang mga lalaking nagpakita ng motibo sa kanila.

“May nagcha-chat na sa akin na lalaki… na hubad,” pagbubunyag ni Tito Abdul, na agad na nagdulot ng tawanan sa panel.

Hindi rin nagpahuli si Tito Marsy: “May mga indecent proposal.”

Paano nila hinarap ang mga guys na nagpapakita sa kanila ng motibo?

Samahan na ang barkada at makisaya, mga Ka-YouLOL! Huwag palampasin ang Your Honor ngayong March 14, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa official YouLOL YouTube channel.

Samantala, kilalanin ang mga taong nagpapakilig kina Tito Marsy at Tito Abdul:

LOOK: Tito Marsy's sweet photos with girlfriend Claire

Content creator and actor Tito Abdul now engaged to girlfriend RC