GMA Logo Dear Uge Presents
What's on TV

In love si Eugene Domingo kay Benjamin Alves sa 'Dear Uge Presents'

By Cara Emmeline Garcia
Published March 5, 2021 9:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Dear Uge Presents


Makamit kaya ni Tom (Eugene Domingo) ang kanyang happy ending kay Alex (Benjamin Alves)? Alamin 'yan sa 'Dear Uge Presents: Tom and Journey' ngayong Linggo, March 7.

Isang TNVS driver si Tom (Eugene Domingo) at isa sa kanyang mga suki ay si Alex (Benjamin Alves) dahil laging siya ang nakakakuha ng booking ng nahuli.

Dahil sa araw-araw na pagmamaneho ni Tom kay Alex, naging matalik silang magkaibigan at na-develop pa ang feelings ni Tom para kay Alex.

Sa kasamaang palad, na-heartbroken siya nang makita niya si Alex na may kasamang babae sa gym na ibang iba sa kanya. Sino nga naman ba siya para magustuhan ni Alex? Isa lang naman siyang driver.

Samantala, si Vic (Donita Nose) ay isang network marketer na may dalawang ahente, sina Randy (Phytos Ramirez) at Stella.

Nang sinubukan ni Randy na ligawan si Vic, kinumpronta ito kaagad ni Stella.

Source: Carlo del Prado - Dear Uge Presents

Makamit kaya ng dalawang ang kanilang happy ending?

Alamin ang lahat ng 'yan sa nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge Presents: Tom and Journey kasama sina Eugene Domingo, Benjamin Alves, Donita Nose, at Phytos Ramirez ngayong Linggo, March 7, sa GMA-7.