GMA Logo Allen Ansay Sofia Pablo
What's on TV

In My Dreams: Dreams do come true para kina Sari at Jecoy?

By Jimboy Napoles
Published June 20, 2023 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay Sofia Pablo


Sa pagkikita nina Sari at Jecoy sa realidad, matuloy kaya nila ang kanilang pag-iibigan mula sa kanilang mga panaginip?

Sa previous episode ng In My Dreams, kung kailan nasa moving on stage na si Sari (Sofia Pablo) nakita niya sa bus ang isang lalaki na kamukhang kamukha ng kaniyang pinakmamahal na si Jecoy (Allen Ansay).

Dahil sa excitement, agad niya itong nilapitan at nagpakilala siya bilang girlfriend nito, pero nagtaka si Sari dahil pinagtabuyan siya ng lalaki at tumakbo ito palayo sa kaniya.

Nang pumasok naman si Sari sa coffee shop kung saan siya ipinasok ni Vincent (Zyren Dela Cruz) laking gulat niya nang makita niya doon ang lalaki - ang owner pala ng coffee shop na ang pangalan ay Marcus.

Hiyang-hiya si Sari sa kaniyang ginawang paghabol kay Marcus kung kaya't humingi siya ng paumanhin dito upang hindi siya tanggalin sa trabaho. Sa kabila nito, napag-alaman niyang Jecoy din pala ang palayaw ni Marcus sa kanilang probinsiya, pero hinayaan niya na lamang ito dahil tanggap na niyang panaginip lamang talaga ang mga nangyari sa kanila.

Isang araw, nalaglag ni Sari ang kaniyang diary na naglalaman ng kaniyang mga naging panaginip kasama si Jecoy. Napulot ni Marcus ang diary at nagkainteres siyang basahin ito.

Nang mabasa niya ang diary, unti-unting bumalik ang kaniyang mga napanaginipan habang siya ay comatose noon kung saan naroon nga si Sari - ang kaniyang girlfriend.

Naiyak si Jecoy sa kaniyang nabasa at dali-daling nagtungo sa bahay ni Sari kasama si Vincent. Sinabi ni Jecoy kay Sari na naaalala niya na ang lahat at humingi siya ng tawad sa dalaga.

Tinuloy naman ng dalawa ang kanilang pag-iibigan mula sa panaginip patungo sa tunay na buhay.

Pero paano nga ba nagtagpo sina Jecoy at Sari sa panaginip? Isang taon bago ang kanilang mga panaginip, nakabili ang dalawa ng sun and moon lamps sa isang tindera ng thrift goods (Sanya Lopez). Ayon sa tindera, ang sino man na mga makabili ng nasabing mga ilaw ay magtatagpo sa kanilang mga panaginip.

Dito na nga ba nagtatapos ang kuwenton nina Sari at Jecoy?

Balikan ang previous episodes ng In My Dreams DITO:

EPISODE 1: Sari, nagkaroon ng instant soulmate?

EPISODE 2: Kilalanin si Jecoy, ang boyfriend ni Sari!

EPISODE 3: Jecoy at Sari, nagkamabutihan at mas nakilala ang isa't isa

EPISODE 4: Jecoy, piniling magsakripisyo para sa kanyang true love na si Sari

EPISODE 5: Sari, nakita sa realidad ang boyfriend niya sa panaginip?!

EPISODE 6: Dreams do come true nga ba para kina Jecoy at Sari?!

Subaybayan ang In My Dreams na mapapanood sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.

SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: