
Mapapakinggan na nang paulit-ulit ang isa sa mga kilig official soundtrack ng digital series na In My Dreams, ang “Basta Masaya Tayo,” na isinulat ni Natasha L. Correos at inawit ng Kapuso stars na sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.
Available na sa lahat ng music streaming platforms na Spotify, Apple Music, at YouTube Music ang nasabing awitin.
Bumagay ang tema ng “Basta Masaya Tayo” sa kuwento ng In My Dreams tungkol kina Sari at Jecoy, na ginagampanan nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Sa nasabing series kasi, nagtagpo sina Sari at Jecoy dahil sa lucid dreaming, kung saan pinili nilang maging masaya habang malayo sa realidad ng buhay.
Pero ang kanilang pag-iibigan na nagsimula sa panaginip, maitutuloy kaya sa totoong buhay?
Mapapanood ang In My Dreams sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.
Para sa iba pang showbiz updates, bisitahin ang GMANetwork.com.
SILIPIN NAMAN ANG STYLISH PHOTOS NG AKTOR AT “BASTA MASAYA TAYO” SINGER NA SI KELVIN MIRANDA SA GALLERY NA ITO: