
Naging usap-usapan online ang litratong in-upload ng magkasintahan na sina Katherine at Jeffrey dahil ang dalaga, napagtapos pala ng kolehiyo ng kanyang kasintahan.
Mapapa-sana all kayo sa istorya ng ka-IRL natin na si Catherine.
Kuwento ni Catherine sa In Real Life, noong March 2019, nagtapos siya ng kurso na Bachelor of Science in Computer Science. Ang graduation post niya sa social media, ikinatuwa ng marami. Bukod kasi sa graduation picture niya, kasama niya sa mga litrato ang boyfriend niyang si Jeffrey, na nagpaaral sa kanya.
Kuwento ni Catherine sa In Real Life, "Sabi niya [Jeffrey], 'sige maghanap ka na ng school mo tapos alamin mo 'yung mga kailangan at tuition at ituloy mo na 'yung two years mo.'" Dito nagsimula ang pagtulong ni Jeffrey sa pag-aaral ng kanyang girlfriend
Pitong taon nang magkasintahan sina Catherine at Jeffrey, noong 2011 sila unang nagkakilala. \
Naging inspirasyon daw nila ang isa't isa sa pag-aaral. Nagtapos ng Information Technology si Jeffrey habang si Catherine, two-year computer course ang natapos. Kalaunan ay nakahanap ng magandang trabaho si Jeffrey, pero si Catherine nahirapan daw makahanap ng trabaho.
"Siguro nahalata niyang sobrang dami kong in-apply-an na trabaho. Gusto ko sana 'yung related sa course ko pero hindi ako makapasok sa ganoong field, dahil hindi ako degree course."
Bilang breadwinner, si Catherine na ang sumusuporta sa ina at tatlong mga kapatid. Aniya, "Para po makabigay ako kahit paano, kahit nag-aaral ako, sinabay ko 'yung pagfi-freelance ko.
Dahil hirap makahanap ng trabaho si Catherine, nagdesisyon si Jeffrey na pag-aralin na ang girlfriend ng four-year course. Tunghayan ang kanilang inspiring love story kasama si Gabbi Garcia sa In Real Life.