What's on TV

'In Real Life' with Gabbi Garcia, mas pinaaga na tuwing Huwebes

By Bianca Geli
Published January 20, 2021 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia in real life


Abangan si Gabbi Garcia sa all-new episodes ng 'In Real Life' tuwing Huwebes 5:45 p.m.

New year, new hairstyle si global endorser at Millennial It Girl Gabbi Garcia sa kaniyang latest Instagram post kung saan bumagay ang bagong highlights niya sa kaniyang morena skintone.

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Mapapaaga naman ang bonding ni Gabbi sa mga kapuso simula January 21 dahil mapapanood na rin ng mas maaga ang programa niyang In Real Life (IRL) na ipapalabas na tuwing 5:45 ng hapon.

Ngayong linggo, usapang online shopping tips naman ang tatalakayin ni Gabbi tampok ang iba't ibang real-life horrors ng ilang shoppers na nabikitima ng advertisement ng mga produktong ibinibenta online.

Alamin kung paano makaiwas sa scams lalo na ngayong uso ang online shopping.

Malapit na rin mapanood ang kauna-unahang Kapuso drama ni Gabbi Garcia katambal ang kaniyang real-life boyfriend, ang Kapuso newbie na si Khalil Ramos.

Mapapanood ang dalawa sa upcoming show na Love You, Stranger.

Tingnan ang ilan sa sweetest couple photos nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos:




Patok man ang iba't ibang ear piercings, may mga do's and don'ts din na dapat sundin sa pagpapabutas ng tenga para makaiwas sa impeksyon.

Alamin 'yan ngayong Huwebes sa In Real Life (IRL).


Ilan sa mga tinatalakay ni Gabbi Garcia sa Gen Z at millennial-oriented na programang In Real Life (IRL) ay mga celebrity at social media influencer guests pati na rin ang mga ilang Kapuso netizens na may mga natatanging karanasan.

Tampok sa mga tema ng IRL ay iba't ibang mga bagay na kinahihiligan ng mga kabataan tulad ng social media, internet, photography, food, fitness, beauty, gaming, makeup, fashion, music, relationships, vlogging, travel, at marami pang iba.

Abangan si Gabbi Garia sa In Real Life (IRL) tuwing Huwebes 5:45 p.m.