
Abangan si Odessa simula Lunes sa GMA Afternoon Prime.
Sa Lunes na (March 7) magsisimulang ipalabas ang inaabangang teleserye na Hanggang Makita Kang Muli (HMKM). Pinagbibidahan ito ni Bea Binene katambal si Derrick Monasterio sa direksyon ni Laurice Guillen.
Kasabay ng maraming excited nang mapanood ang teleserye ay ang anak ng mismong direktor nito si Ina Feleo sapagkat may mahalaga siyang papel na gagampanan sa kwento. Bibigyang buhay ng aktres ang character ni Odessa.
READ: Bea Binene, nagpasalamat sa suporta ng fans sa 'Hanggang Makita Kang Muli'
Sa kanyang Instagram post kamakailan, hindi itinago ni Ina ang kanyang kasiyahan sa bago niyang project. "Excited to share with you Odessa. She does everything in her power to get what she wants and what she loves at the expense of other people. She loves and obsesses like her life depended on it. She hurts people without her caring. She is definitely not the easiest person to love but she needs it. ?? #hanggangmakitakangmuli #mycharacter #gma (Airing March 7, afternoon prime)"
Ibinagi rin ng dalaga sa kanyang social media account ang ilang behind-the-scenes photos ng programang kinabibilangan niya.
Sama-sama tayong tumutok sa Lunes, mga Kapuso!