What's Hot

Ina Feleo, masaya sa kanyang role sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 9:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang mga susunod na gagawin ni Odessa.


Natunghayan sa Hanggang Makita Kang Muli kahapon, March 9, kung ano ang kayang gawin ni Odessa para lang masira ang pagsasama nina Larry at Evelyn Medrano at mapasakanya ang lalaki.

Habang namamasyal sa mall, kinuha niya ang anak ni Larry at ikinulong ito sa isang abandonadong bodega. Ang batang ito ay si Ana — ang karakter ni Bea Binene — na lalaking walang impluwensiya ng kapwa niya tao.

WATCH: Hanggang Makita Kang Muli: Ang pagkawala ni Ana

Si Ina Feleo ang gumaganap bilang si Odessa at inilarawan niya ang kanyang karakter sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.

"She's very obsessive and she has 'yung antisocial personality behavior. Kapag ganoon, wala silang timbangan ng right and wrong," paliwanag niya.

"Kumbaga, ang importante, makuha niya 'yung gusto niya. She doesn't feel guilty kung meron man siyang magawang masama. In a way, may psychological problem talaga siya," dagdag pa nito.

Naging mabusisi naman ang paghahanda ni Ina para gampanan ang role na ito. Nag-research siya at nagbasa tungkol sa posibleng kundisyon ni Odessa.

"Nanonood din ako sa YouTube ng mga case. May mga interview sila of people with antisocial [personality] para maintindihan kung ano 'yung nagyayari sa utak ng isang may antisocial personality," ayon kay Ina.

Hindi naman daw siya nag-atubili na tanggapin ang role, lalo na at alam niyang medyo mabigat ito.

"Iniintay ko 'yung mga ganitong roles eh, 'yung mga ganitong opportunity," bahagi nito.

"Maraming pressure! Tsaka bukod doon ngayon lang ako nabigyan sa GMA ng ganito ka-substantial na role. Siyempre doon pa lang ninenerbiyos na ko," kuwento niya.

Ngunit kahit may kaunting kaba, ginagawa ni Ina ang lahat ng kanyang makakaya.

"I try my best sa trabaho talaga. Para masabi ko talagang ginawa ko, pinush ko yung sarili ko. Sana magustuhan nila," sambit ni Ina.

READ: Netizens naawa sa character ni Bea Binene sa Hanggang Makita Kang Muli

"Sana hindi masyadong magalit yung fans ni Bea! Kasi talagang grabe, iba siya eh. Walang konsensiya," natatawang dagdag nito.

Abangan ang magiging kuwento ni Odessa sa Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes, pagktapos ng Wish I May sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON HANGGANG MAKITA KANG MULI:

Ina Feleo excited nang ipakilala ang kanyang characterna si Odessa sa Hanggang Makita Kang Muli

Hanggang Makita Kang Muli: A woman's obsession