
Binuksan ni Kapuso actress Ina Feleo ang 2026 sa pamamagitan ng isang bagong experience.
Sinubukan kasi niya for the first time ang hiking.
Bumisita si Ina Feleo at Italian husband niyang si Giacomo Gervasutti o James sa Itogon, Benguet.
Magkasama silang nag-hiking sa trail ng Mt. Ulap.
Source: ina_feleo (Instagram)
Sa pag-akyat nina Ina Feleo at James sa bundok, na-enjoy nila ang malamig ng simoy ng hangin pati na ang magagandang views.
May nakasalubong pa silang ilang mga baka na nagpapa-pastol doon.
"First time to ever hike⛰️ Benguet was beautiful and the weather was so fresh, the pine trees smelled so good," sulat ni Ina sa Instagram.
Dahil beginner pa lang, hindi na sinubukan ni Ina Feleo na marating ang summit ng bundok.
"Aimed for just 1 peak because I didn't want to get too tired that I would hate the experience😅," kuwento niya.
Ngayong nasubukan na niya ito, balak daw niyang mag-train para makabalik at marating na ang summit ng Mt. Ulap.
"Now determined to come back and summit Mt. Ulap with a bit more cardio and legs training😃," pangako ni Ina.
Nakatakdang muling mapanood si Ina sa hit GMA Prime telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre. Magbabalik si Ina Feleo sa serye bilang ang sinaunang Kambal-Diwa ng Brilyante ng Apoy na si Lavanea.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BAKASYON NI INA FELEO SA ITALY DITO: