GMA Logo Ina Feleo in the lockin taping of Bilangin ang Bituin sa Langit
What's on TV

Ina Feleo, naninibago sa pagbabalik taping sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit'

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 29, 2020 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies continue to affect PH with cloudy skies, rain showers
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Feleo in the lockin taping of Bilangin ang Bituin sa Langit


Ano kaya ang naging karanasan ni Ina Feleo sa 'lock-in taping' ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit' ngayong "new normal?"

Kinuwento ng aktres na si Ina Feleo na naninibago siya sa pagbabalik sa taping ng afternoon drama na Bilangin ang Bituin sa Langit matapos ang pitong buwan.

Kasalukuyang naka-lock-in taping sa San Mateo, Rizal ang buong cast at production crew ng programa. Tatagal ng 23 days ang kanilang lock-in taping.

"7 months of not doing my hair makeup and dressing up like a sophisticated woman, this was refreshing," pag-amin ni Ina sa isang Instagram post.

Margaux🤍 7 months of not doing my hair makeup and dressing up like a sophisticated woman, this was refreshing😅 #missuniverse #charot 😂

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo) on

Sa "new normal," nililimitahan ang bilang ng staff na kasama sa taping upang maiwasan ang pagsasama-sama ng maraming tao. Dahil dito, minsan ay ang mga artista na mismo ang gumagawa ng kanilang hair and make-up.

Ina Feleo

Upang mapabilis ang kanilang trabaho, si Ina Feleo na rin ang naglalagay ng make-up sa kanyang sarili sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit.' / Source: ina_feleo (IG)

Sa Bilangin ang Bituin sa Langit, ginagampanan ni Ina ang karakter ni Margaux, ang asawa ni Anselmo, na ginagampanan naman ni Zoren Legaspi.

Kasalukuyang umeere sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime ang teleseryeng One True Love, na pinagbidahan nina Alden Richards at Louise Delos Reyes.