
By OWEN ALCARAZ
"Rest in peace and love, and in the company of your Mommy, Direk."
'Yan ang ilan sa mga katagang binitiwan ni Ina Feleo para sa yumaong direktor na si Wenn Deramas.
Lingid sa kaalaman ng marami, malaki ang naitulong ng direktor sa aktres sa panahong nagdadalamhati siya sa pagpanaw ng kanyang amang si Johnny Delgado.
Sa pagbabalik tanaw ni Ina, sinabi nito na hindi niya makakalimutan ang panahon na kinuha siyang artista ni Direk Wenn on the same week na nawala ang Daddy niya. "Bigla mo akong kinausap at kinwentuhan tungkol sa Mommy mo na mahal na mahal mo rin at kasama mo sa mga huling sandali. You comforted me then, 'di ko lang na-express dahil nahihiya ako pero maraming salamat. Ang dami mo na sigurong na-comfort at natulungan gaya ko."
Paalam Direk Wenn at salamat kasi kahit hindi tayo close at hindi rin ako sikat, hindi ka nagdalawang isip kunin akong...
Posted by Irina Feleo on Sunday, February 28, 2016