GMA Logo Euwenn Mikaell
Celebrity Life

Ina ni 'Firefly' star Euwenn Mikaell, binuking kung saan galing ang pangalan ng anak

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 26, 2023 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell


Saan kaya nanggaling ang pangalang 'Euwenn?'

May isang manonood ng pelikulang Firefly, ang opisyal na entry ng GMA sa Metro Manila Film Festival, ang nakahula kung saan nanggaling ang pangalan ng bida nitong si Euwenn Mikaell.

Sa X, na dating Twitter, isang user na ang nakapansin na ang pangalang Euwenn ay katunog ng katagang 'You Win.'

"Really friends, the reviews of this movie are very good, you all should definitely watch this movie, this kid is a very good actor he's gonna become a brilliant actor in the future!" komento niya.

"Euwenn sounds like 'You Win.' Best actor for me kid #FireflyMovie."

Sa Instagram account ni Euwenn, pinatunayan ng ina ni Euwenn na totoong sa katagang 'You Win' nanggaling ang pangalan ng kanyang anak.

Sulat niya sa caption, "Ang tagal kong tinago ng sikreto ni Euwenn tungkol sa pangalan nya... mukang may nakaalam na...nice!!"

"Batang 90's ako kaya paborito ko ang 'Tekken' at nung pinagbubuntis ko si Euwenn, tuloy pa rin ang laro ko... at siyempre, magaling ako, e. Masarap sa pandinig ko ang salitang 'You Win.'

"At tama jan ko nga kinuha ang pangalan niya."

A post shared by Ako si Wenyo (@euwenn_mikaell)

Bida si Euwenn sa pelikulang Firefly kung saan ginagampanan niya si Tonton, isang anak na naglakbay upang hanapin ang mahiwagang isla ng mga alitaptap na kinukwento sa kanya ng kanyang inang si Elay, na ginagampanan ni Alessandra De Rossi.

Kasama rin sa pelikulang Firefly sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, at Yayo Aguila. Mayroon ding special participations sina Max Collins at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa ang Firefly bilang isa sa entries ng 49th Metro Manila Film Festival.