What's Hot

Ina ni Jam, pinabulaanang itinigl nila ang life support ng binata

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Usap-usapan sa social media na ipinatigil ng kanyang pamilya ang life support ni Jam Sebastian ng Jamich na mariing itinanggi ni Mrs. Maricar Sebastian.
By CHERRY SUN

 
Patuloy ang pagbuhos ng suporta, pagmamahal at mensahe ng pasasalamat at paghanga sa burol ni Jam Sebastian.

READ: Sebastian family, inalala ang final moments ni Jam

Gayunpaman, naging usap-usapan sa social media na ipinatigil ng kanyang pamilya ang life support ng binata at ito ay mariin na pinasinungalingan ni Mrs. Maricar Sebastian.
 
Paliwanag ng ina ni Jam, “Kahit sinasabi ng doctor na ubusin na lang ‘yung gamot para matapos na ‘yung paghihirap, hindi po talaga ako pumapayag dahil gusto ko mamatay ‘yung anak ko ng natural death. Kaya kung sinasabi nila na pina-stop, hindi.”
 
Ikinuwento rin ni Mrs. Maricar ang ilang alaala niya sa anak habang nasa
ospital ito.

Aniya, “Akala ko inaatake siya. Ako naman siyempre talagang nag-panic ako. ‘Yun pala sabi niya, ‘Joke lang mama. I love you, mama.’ Nagagawa pa niyang [magbiro]... may sakit na siya noon, nagagawa pa niyang magbiro.”
 
Dugtong din niya, “Sobra akong nagpapasalamat, lagi ko sinasabi sa mga fans kasi isa sila sa nagpalakas ng loob ko. Kasi kung ako lang mag-isa, hindi ko kaya.”
 
Sa panayam naman ng Unang Hirit sa fiancee ni Jam na si Mich Liggayu, ikinuwento ng dalaga ang hiling ni Jam para sa kanya.
 
READ: 'Feeling ko buhay na buhay pa si Jam' – Mich Liggayu
 
Panimula ni Mich,“Kahapon nanood ako ng videos namin ulit, tapos na-realize ko na parang never ko na pala siya maha-hug. Pero okay lang kasi alam ko in spirit and in heart, kasama ko pa rin siya.”
 
“Kinausap niya ako noon na gusto niya daw i-continue ko kung ano ‘yung plans namin sana in the future, i-continue ko pa din ‘yun, na sundin ko pa rin ‘yung mga ginagawa namin before like kunwari ‘yung pag-perform, ‘yung acting namin, ganun. Sinasabi niya i-share ko pa rin ‘yung talents ko,” patuloy niya.
 
Patuloy pa rin ang pasasalamat ng pamilya at nobya ni Jam sa mga walang pagod na bumibisita, sumusuporta at nagmamahal sa yumaong YouTube sensation.
 
Mensahe ni Mich, “Sa Jamich family, team Jamich, sobrang thank you. Never akong magsasawang magpasalamat sa inyo kasi grabe talaga ‘yung effort na pinapakita niyo sa amin, ‘yung love and prayers niyo. Sana hanggang huli magkakasama pa rin tayo.”
 
Video courtesy of GMA News