
Sa edad na 50 years old, masasabing isa pa rin sa sexiest women ang The Secrets of Hotel 88 actress na si Ina Raymundo.
Kaya naman, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, April 23, hindi naiwasang tanungin ni King of Talk Boy Abunda ang aktres kung handa ba itong gumawa ng isang daring role sa kabila ng kaniyang edad.
Sagot ni Ina, “Tingin mo, may K pa ba? You know what, if the script is good and the director I would love to work with a great director, I would do it.”
Napatunayan na rin naman ni Ina na kaya pa rin niyang gumawa ng daring roles dahil sa kaniyang sexy at fit na pangangatawan. Sa katunayan, naipamalas ito ng aktres noong mag-post siya ng ilan sa mga sexy photos niya noong kaarawan niya.
TINGNAN ANG AGELESS BEAUTY NI INA SA GALLERY NA ITO:
Nitong March lang, may sexy pictorial pa siyang ginawa para sa MEGA Magazine. Paliwanag ni Ina kung bakit niya ginawa ang naturang photoshoot, gusto niyang maging inspirasyon sa iba lalo na ngayong 50 years old na siya.
“Siguro dahil nag-50 nga ako, there's something about turning golden na siyempre parang inspiration, to inspire people. So MEGA wanted to get me because of how I lived my life of having a big family but at the same time, self-care is very important to me, self-love,” sabi ni Ina.
Sabi pa ng aktres, gusto niyang iparating sa pictorial na iyon na kahit anong edad ay maaaring maging malakas at masigla ang isang tao.
“You can be strong at any age, and that you can really prioritize yourself and at the same time, have a happy family, loving family.
Pagbabahagi pa ng aktres, sobrang na-e-enjoy niya ang mga pictorial at sinabing tila ipinanganak siya para maging isang modelo.
“Parang feeling ko, nu'ng pinanganak ako, may camera na sa harap ko at naka-pose na ako -- 16 pa lang, nagmo-modelling na ako so I really -- you know, 'yung MEGA shoot, it was very demanding, but I had so much fun, hindi ako napagod,” sabi ni Ina.