GMA Logo Ina Raymundo and Brian Poturnak
Courtesy: inaraymundo95 (IG)
Celebrity Life

Ina Raymundo, gumamit ng 'aged filter' pero hindi pa rin tumanda ang itsura?

By EJ Chua
Published July 17, 2023 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Raymundo and Brian Poturnak


Napa-react ang netizens sa latest TikTok video ni Ina Raymundo habang kasama ang kanyang asawa na si Brian Poturnak.

Kinagigiliwan online ang latest TikTok video ni Ina Raymundo habang kasama ang kanyang asawa na si Brian Poturnak.

Sa naturang video, mapapanood na hindi nagpahuli sa paggamit ng trending na filter si Ina.

Habang nasa likuran niya ang kanyang asawa, sinubukan ng aktres ang aged filter, kung saan magkakaroon ng ideya ang isang taong gagamit ng filter kung ano ang magiging itsura niya kapag siya ay nagkaedad na.

Ikinagulat ng netizens at TikTok followers ni Ina ang naging resulta ng paggamit niya ng nauusong filter.

Ang ilan, sinabing tila walang nagbago sa itsura ni Ina.

Ang iba naman ay napa-comment na kahit tumanda siya ay mananatili pa rin siyang young-looking at maganda.

Kakabit naman ng video ay ang kanyang caption na tungkol sa kanyang asawa.

Ayon kay Ina, “Sometimes, I still can't believe that I've been with this man since June 2000. #dadofmy5kids #husbandwife #Godsgrace.”

@inaraymundo95 Sometimes, I still can't believe that I've been with this man since June 2000. #dadofmy5kids #husbandwife #Godsgrace ♬ Married Life (From "Up") - Gina Luciani

Si Ina ay ang hot momma nina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, and Minka.

KILALANIN ANG HAPPY FAMILY NI INA RAYMUNDO SA GALLERY SA IBABA: