
Ikinuwento ni Ina Raymundo ang nangyari sa unang beses nilang pagkikita ni Brian Poturnak.
Ayon kay Ina, sila ni Brian ay nagkaroon muna ng group date sa kanilang unang pagkikita. Kuwento pa niya sa host ng Just In na si Paolo Contis, June 1999 sila nang sila ay nagkakilala.
Photo source: @inaraymundo95
Pag-amin ni Ina, na-judge niya ang Ukrainian-Canadian na si Brian.
"Noong unang date namin, although group date 'yun ah. Akala ko sa kanya, 'yung tipong chubby kasi ang loose ng t-shirt niya tapos ang laki ng leeg niya... ang lapad."
Sa date na 'yun ay may ginawa umano si Ina para mapalapit kay Brian. Natatawang pag-amin ni Ina ay dahil sa "style" na ginawa niya ay agad na nagsimula ang kanilang relasyon.
"One time, na-touch ko 'yung body niya. Na-trip lang ako... pero style ko lang 'yun. Gusto ko lang ma-check. 'Yun pala, oh my gosh, rock hard! Talagang 'yung body niya, like 'yung abs niya sobra talagang feel na feel ko'yung mga pandesal niya doon sa shirt niya."
Dugtong pa ni Ina, "OMG, I judged you... mula noon naging boyfriend ko na siya."
Isa pa sa ibinahagi ni Ina ay ang paglabas ng isa sa favorite covers niya noong February 2000. Ito umano ang nakapagsabi kay Brian na siya ang dream girl nito.
Saad umano ni Brian, "She's the woman I'm gonna marry."
Dugtong pa ni Ina, dinala ni Brian ang kanyang magazine cover sa Canada at sinabi nito sa kanyang kapatid na "She's gonna be my future wife."
Panoorin ang kabuoang kuwento ni Ina sa Just In.
Silipin naman ang buhay nina Ina, Brian at kanilang limang anak sa gallery na ito.