GMA Logo Ina Raymundo and Brian Poturnak
PHOTO SOURCE: @inaraymundo95
Celebrity Life

Ina Raymundo, ilang beses nag-cancel ng date noon kay Brian Poturnak

By Maine Aquino
Published July 1, 2024 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Raymundo and Brian Poturnak


"Ang laki ng atraso ko kay Brian." - Ina Raymundo

Inilahad ni Ina Raymundo na inabot ng isang taon ang pagiging phone pals nila ni Brian Poturnak bago sila nagkatuluyan.

Si Brian ay ang asawa ni Ina. Sila ay may limang anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.

Ina Raymundo and Brian Poturnak

PHOTO SOURCE: @inaraymundo95



Ayon kay Ina, nakilala niya si Brian noong siya ay 24 years old sa Boracay.

Ibinahagi ni Ina sa kaniyang interview sa YouTube channel ni Karen Davila kung paano nauwi ang kanilang pagiging magkaibigan ni Brian sa isang relasyon.

"Nag-start kami as friend, phone pals actually, tumatawag siya," saad ni Ina.

RELATED GALLERY: Ina Raymundo proves her ageless beauty in throwback snaps

Paliwanag pa ng aktres, "Pinapraktisan ko siya ng English. For an hour we would talk on the phone. Siyempre in reality alam ko naman na nanliligaw siya sa akin. Pero parang it's my way of saying na hey ito lang 'yung gusto ko, wala akong binabalak na something deeper with you."

Inamin ni Ina na noon ay lagi siyang nagka-cancel ng date kay Brian.

"After almost one year of talking and he's always asking me to go out and I would always cancel at the last minute. Ganoon ako kasama sa kaniya."

Binalikan naman ni Ina kung paano nakatulong ang kaibigan sa pagpayag niyang makipag-date kay Brian.

"Kilala mo si Joji Dingcong? Siya ang matchmaker namin. Siya ang nagpakilala sa akin kay Brian. Nagkita kami almost a year. Sabi ko Joji, remember your friend Brian? You know he's been calling me. What can you say about him? Sabi niya girl you should go out with him. He's the most humble guy I've ever met. Talagang all praises siya kay Brian."

Nang makausap ni Ina ang kaibigan ay bumawi siya kay Brian kinabukasan.

Kuwento ni Ina, "Kinabukasan, I called him. Hey you want to go out? Ako na talaga ang nagyaya dahil ang laki ng atraso ko kay Brian noong time na 'yun dahil ilang beses ako nag-cancel ng date sa kaniya.

Pagkatapos daw ng date na ito ay hindi na sila naghiwalay pa ni Brian.

"Mula na noong nag-date kami, 'yun na the rest is history. Inseparable na kami and in love."

SAMANTALA, NARITO ANG LARAWAN NG PAMILYA NI INA RAYMUNDO: