
Sa recent guest appearance ni Inah de Belen sa Mars Pa More, mas mamahalin pa raw niya sana kanyang mga magulang kung bibigyan siya ng mas maraming pagmamahal.
Photo courtesy: Mars Pa More (Facebook)
Sa “Grab-A-Box: Parent Ko Yan Edition” segment ng Mars Pa More, kumuha ng tig-isang salita sina Iya, Camille, Inah, at Xavier at kailangan nila punan ang patlang gamit ang napiling salita.
Ang unang sentence na binigay ay “I love my parents, pero mas mamahalin ko pa sana sila kung (blank) nila ako ng/sa..”
Ayon kay Inah, “I love my parents pero mas mamahalin ko pa sana sila kung bibigyan nila ako ng mas madaming pagmamahal.”
Tinanong naman ni Mars Pa More host Iya Villania kung bakit nasabi ito ng aktres.
“Actually, hindi naman kulang. Wala lang talaga akong maisip.
“Pero ayun syempre, I'm growing up na,” sagot ni Inah.
Ibinahagi rin ng aktres na nakatira pa rin siya kasama ang kanyang nanay, mga kapatid, at lolo.
“So syempre kami, may kanya-kanyang buhay na kami.”
Ayon kay Inah, nakaka-bonding pa rin niya ang kanyang nanay na si Janice de Belen sa tuwing hindi siya busy at lahat sila ay nasa bahay lamang.
“We give her time naman. Pero syempre, lalo na ngayon my mom has been really really really busy and my dad also, he's been busy. We always see him at least once a week.
“Namimiss ko lang sila.”
Sobrang malapit din ang aktres sa kanyang mga magulang at kapatid.
Kuwento ni Inah, “Syempre kapag matagal na kayong hindi nakakapag-bonding lalo na ngayon, kasi you really can't get out, may pandemic pa rin.
“So, alam mo yung bonding namin, 'mag out of town naman tayo' or 'let's go to the mall lang. let's watch a movie' syempre nami-miss din namin 'yun.”
Gusto niyo ba malaman ang iba pang nakatutuwang sagot nina Iya, Camille, Inah at Xavier sa “Grab-A-Box: Parent Ko Yan edition?” Panoorin ang buong episode ng Mars Pa More video sa itaas.
Kapag hindi naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maari itong mapanood DITO.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, tutukan ang Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.
Samantala, tingnan muli ang sweet photos nina Inah de belen at Jake Vargas sa gallery na ito: