What's Hot

Inah de Belen thanks her 'Oh, My Mama!' co-stars

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Naging emosyonal si Inah sa pamamaalam sa kanyang co-stars. 


Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Inah de Belen sa kanyang co-stars sa katatapos lang na Afternoon Prime series na Oh, My Mama!

WATCH: Oh, My Mama!: The Finale

Isa-isang pinasalamatan ng Kapuso actress ang kanyang mga nakatrabaho.

 

Sa aking Beshy Sara @eunicelagusad18, pagiging positibo mo ay laging nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Hindi ko inakala na magiging ganito tayo kalapit sa isa't isa at labis akong nagpapasalamat na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo. Tunay kang natatangi! Ang iyong halakhak at pagkamasayahin ay mga bagay na hindi ko malilimutan at laging hahanap-hahanapin. ??

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on


"Sa aking Beshy Sara @eunicelagusad18, pagiging positibo mo ay laging nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Hindi ko inakala na magiging ganito tayo kalapit sa isa't isa at labis akong nagpapasalamat na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo. Tunay kang natatangi! Ang iyong halakhak at pagkamasayahin ay mga bagay na hindi ko malilimutan at laging hahanap-hahanapin," mensahe niya kay Eunice Lagusad.

 

Sa aking Ninang Inday, @iamgladysreyes, salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagdala ng kagalakan sa akin. Napakahusay mo at tunay na kagiliw-giliw ang pakikipag trabaho sa iyo. Mahal kita! ??

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on


Aniya kay Gladys Reyes, "Sa aking Ninang Inday, @iamgladysreyes, salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagdala ng kagalakan sa akin. Napakahusay mo at tunay na kagiliw-giliw ang pakikipag trabaho sa iyo. Mahal kita!"

Madamdamin naman ang mensahe niya kay Epy Quizon, na gumanap bilang kanyang Mama Gordon.

 

Sa aking Mama Gordon, @epyq, wala akong mahanap na salita para ipadama sa iyo kung gaano ako ipinagpala na makatrabaho ka. Tunay ngang isa ka sa mga mabuti at nakakatawang tao na nakilala ko at ikaw ay nagmistulang ama para sa akin. Labis kong minahal ang mga sandaling magkatrabaho tayo at maraming salamat sa mga panahong nasa tabi kita. Umaasa akong makatrabaho kang muli sa madaling panahon! Alam kong hindi ito ang huli. Mahal na mahal kita, Mama! ??

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on


"Sa aking Mama Gordon, @epyq, wala akong mahanap na salita para ipadama sa iyo kung gaano ako ipinagpala na makatrabaho ka. Tunay ngang isa ka sa mga mabuti at nakakatawang tao na nakilala ko at ikaw ay nagmistulang ama para sa akin. Labis kong minahal ang mga sandaling magkatrabaho tayo at maraming salamat sa mga panahong nasa tabi kita. Umaasa akong makatrabaho kang muli sa madaling panahon! Alam kong hindi ito ang huli. Mahal na mahal kita, Mama!"

Magkahiwalay na posts naman ang kanyang ginawa para sa kanyang leading men na sina Jake Vargas at Jeric Gonzales. Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga anak sa teleserye.

 

Sa aking Zach, JerJer! @jericgonzales07 salamat sa iyong pagiging maginoo at mabuti at kalmado sa lahat ng oras. Wag kang magbabago!

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on

 

Sa aking mga anak na sina Bimbo, Bayani, Nicole, Empoy at Peewee, sige, naiiyak ako. Ipinagmamalaki ko kayo. Napakagaling niyo and napakabait niyo sobra. Para kayong mga anak ko talaga! Ang pinagsamahan natin ay mananatili sa aking puso habang ako ay nabubuhay. Mahal na mahal ko kayo. Kahit na anong mangyari, ang inyong Mama Cel ay laging nandito para sa inyo. Malayo ang inyong mararating!

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on

 

Sa aking Julio, @imjhakevargas wala akong mahanap na salita para ipadama sa iyo ang labis na pasasalamat ko dahil hindi mo ako iniwan kailanman. Lagi mo akong sinusubaybayan at inaasikaso. Sinisiguro mo sa twina na ako ay nasa maayos na kalagayan at komportable sa lahat ng oras. Kahit na pinapatawa mo ako at kinukulit sa tuwing ako ay magkakamali at nabubulol sa aking mga linya, lagi ka pa ring nariyan para ako ay tulungan. Ikaw ay tunay na maginoo at mabuting tao at napakaswerte ko. Ikaw ang pinaka makatotoo at mapagbigay na taong nakilala ko. Lagi mong tatandaan na nandito ako para sa iyo sa lahat ng panahon. ?? #JaInah #JuCel

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on


Nag-iwan din ng mensahe si Inah sa mga sumuporta sa kanya bilang si Maricel.

 

Sa totoo lang, kinabahan ako nang malaman ko na gagawin ko ang proyektong ito. Inakala ko na hindi ko ito kakayanin at habang binabasa ko ang script, tinanong ko ang aking sarili kung paano kong magagampanan ang bagay na ito.Ako ay nagdasal sa Panginoon at umasa sa ikabubuti ng mga bagay. Masaya ako at nagampanan ko ang bagay na ito. Muli, nais kong magpasalamat kay Ms. Gigi, Ms. Lilybeth at kay Ms. Redgie sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Nais kong magpasalamat sa aking direktor na si Neal del Rosario sa paggabay sa akin sa kabuuan ng palabas na ito. Mahal kita, direk! Alam mo yan! Ms. Joy Lumboy-Pili at Ms. Acor Ignacio sa pagsalubong sa akin at pagtanggap sa pamilya ng Oh My Mama! Kay Ate Jopay, Direk Patrick, Dimple, Michie, Ate Love at Ate Lorna at sa lahat ng bumubuo ng Oh My Mama, maraming salamat at mahal na mahal ko kayo! At sa lahat ng nanood at sumuporta sa aming palabas mula umpisa hanggang sa pagtatapos nito, matanda man o bata, lagi ninyong alalahanin na mahalin ang inyong mga magulang at mga anak. Maraming salamat sa pagmamahal ninyo! Nais ko ring magbigay pasasalamat dahil minahal ninyo si Maricel gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Mananatili siya sa aking puso magpakailanman. - Maricel Reyes, "Mama Cel" ?????? #OhMyMama Congratulations sa ating lahat! ????????????

A photo posted by Inah de Belen Estrada (@czarinahisabella) on


MORE ON INAH DE BELEN:

WATCH: Inah de Belen, Jake Vargas at Jeric Gonzales nag-Mannequin Challenge

Inah de Belen, Rodjun Cruz, Wyn Marquez, and gym buddies do the #MannequinChallenge