
Magiging mainit ang session ng Your Honor this weekend dahil tungkol sa politika ang tatalakayin ng House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar.
Haharap bilang resource person natin sina Inah Evans at Krissy Achino upang ibigay ang saloobin nila sa session this week na 'In Aid of Unfriending: FO Dahil sa Politika?'
Sa episode teaser ng Your Honor, nanindigan si Inah Evans nang ikampanya noon ang friend na si Krissy Achino o Seth Simon “Chino” Liu sa totoong buhay na tatapusin niya ang pakikipagkaibigan dito kapag nalaman niya involved siya sa korapsyon.
Sabi ni Inah sa Your Honor: “Nung kinampaign namin siya, sabi ko talaga, 'Chins, kapag nangurakot ka papatayin kita'.”
Tanong bigla ni Buboy Villar, “So kapag nangurakot siya FO na kayo?”
Pag-amin agad ng stand-up comedian, “ Yes, Oo! Wala talagang ano-ano.”
May rebelasyon naman si Krissy Achino sa naging experience niya nang maging parte ng Sangguniang Kabataan.
Lahad niya kina Madam Cha at Vice Chair Buboy, “When I was still in SK gusto ko mag-resign. Hindi ko kaya maatim 'yung mga ginagawa ng bata pa lang nangungurakot na.”
Tutukan ang all-new episode ng Your Honor every Saturday night, 8:15 pm, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now