GMA Logo Inah Evans
Source: Your Honor
What's on TV

Inah Evans, hindi masikmura sumuporta ng politiko kapalit ng pera

By Aedrianne Acar
Published June 21, 2026 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH monitors minerals, Chinese influx amid Bajo de Masinloc structure concerns
Ateneo de Davao University names covered courts after Rene Baterbonia
The Father Who Never Leaves

Article Inside Page


Showbiz News

Inah Evans


Paalala ni Inah Evans sa 'Your Honor': “Laging may marangal na trabaho kang puwedeng kunin na na sa 'yo pa rin ang integrity and dignity mo bilang tao.”

Passionate ang naging paliwanag ng Your Honor resource person na si Inah Evans pagdating sa usapin ng politika, at nanindigan siya na hindi matutumbasan ng pera ang integridad ng isang tao.

Sumalang sa session si Inah kasama si Krissy Achino na pinamagatang "In Aid of Unfriending: FO Dahil sa Politika?" at dito, ipinaliwang niya ang paninindigan niya sa kanyang political beliefs.

Kuwento niya pa sa Your Honor na masuwerte siya na napapaligiran siya ng mga tao na kapareho ng kanyang paniniwala.

Lahad ni Inah Evans sa House of Honorables, “Parang wala naman nag-offer sa akin na mang-troll. But with friendship over, I'm just so lucky na I don't think kasi na magiging friend ko talaga siya, close friend kung magkaiba kami principle in politics.”

“I highly doubt it, parang ako kasi ang mga ka-close ko we share the same principle in terms of being morally right or socially aware. Meron akong mga friends din na iba 'yung sinusoportahan. Pero hindi ko sila ka-close.”

“I cannot call them friends, siguro acquaintance. Kasi, ang labo!”

Bigla rin naikuwento ni Inah Evans na may taong humimok sa kanya na suportahan ang isang politiko na hindi niya bet. Tanong bigla ni Chariz Solomon, “Yung ganiyan minsan may gifts?”

Sagot ng stand-up comedian, “Yan 'yung reason niya. Parang ang reason niya is like sumampa tayo because it pays money and we are showbiz people. Parang, that's what we do, we entertain.”

“Tapos kami, pinaintindi rin namin sa kanya na parang kasi kami before na 'pag nawala kasi 'yung integrity mo as a person. Ano pa ang matitira talaga sa 'yo?” Iniwan na tanong ni Inah.

Sumunod na paliwanag niya, “Walang-wala na ba tayong ibang paraan para kumita. Yung parang, I get it, we get easy money, 'tapos for a while magagastos natin siya okay 'yung buhay natin. Pero kaya mo ba 'yun na someone might win who's not really deserving, walang paki sa bansa? May personal agenda, questionable track record na alam mong mapapahamak 'yung bansa in the long run.”

“Dapat it's more than yourself. Walang-wala na ba tayo? Ang iniisip ko kasi lagi, walang-wala na bang trabaho? Kasi, parang ako kapag wala na ako sa showbiz, puwede pa rin naman ako mag-call center, hindi naman nauubos 'yung pangangailangan ng barista. Parang laging may marangal na trabaho kang puwedeng kunin na nasayo pa rin ang integrity and dignity mo bilang tao.”


RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now