
Nasaksihan noong Sabado sa "Utang" episode ng Wish Ko Lang ang hirap na dinanas ni Nina (Jan Marini) sa mga kumareng nangutang sa kanya.
Matapos ang pagtitiwalang ibinigay niya sa mga kaibigan, nagawa pa siyang siraan ng mga ito at tinakbuhan ang mga pagkakautang sa kanya.
"Nade-depress ako kasi sayang din 'yung pinaghirapan namin. 'Yung pagod, siyempre, at 'yung oras. 'Yung puhunan, walang napuntahan, hindi na nila naibalik. Hindi na sila nagbayad sa akin. Ang masama pa nun, ipinagkakalat nila sa social media na may lalaki ako at ako pa iyong napasama," pagbabahagi ni Nina sa Wish Ko Lang.

Kaya naman para matulungan si Nina sa kung paano masisingil ang mga nangutang sa kanya, inilapit siya ng programa sa isang law expert para malaman ang kanyang mga karapatan.
Sinamahan din si Nina ng Wish Ko Lang sa National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Cybercrime Division para makapag-file ng kaso laban sa mga naninira sa kanya sa social media.
At para sa bagong simula ng kanyang pamilya, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy
Kasama sa negosyo packages ang bigasan business, fish sauce business, beauty products business, brand new kitchenware set, food cart business, at RTW business.
May handog din na bills assistance ang programa para matulungan si Nina sa gastusin ng pamilya. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, kilalanin ang social media stars na napanood na sa Wish Ko Lang sa gallery na ito: