GMA Logo Inday Barretto, Mito, Jay Jay, Miguel, Mitch, Claudine, Gretchen, Marjorie
Photo by: Ogie Diaz YT, Joaquin Barretto FB
What's Hot

Inday Barretto on her children's feud: 'I leave it to God'

Published October 23, 2025 5:05 PM PHT
Updated October 23, 2025 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LOOK: Another ‘uson’ descends Mayon Volcano
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Inday Barretto, Mito, Jay Jay, Miguel, Mitch, Claudine, Gretchen, Marjorie


Nagbigay ng pahayag si Inday Barretto sa awayan ng kanyang mga anak.

Matapos ang panayam tungkol sa dating relasyon nina Claudine at Raymart, nagbigay naman ng reaksyon si Estrella “Inday” Barretto tungkol umano sa matagal nang alitan ng kanyang mga anak.

Sa isang panayam kasama si Ogie Diaz, inamin ni Inday na alam niyang malalim at kumplikado ang relasyon nila, lalo na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

"'Di ko alam. They used to be very close. Very close. Magkasama sila," aniya, patungkol kina Gretchen at Marjorie.

"Somewhere along the way, parang nag-break lang, naghulog lang, nawala na to the point tapos na. Pero tanungin mo sino pinag-awayan, wala. They just don't like each other, okay lang. But they hate each other, that's not okay."

Ibinahagi rin ni Inday na sa paglipas ng mga taon ay tila nagkaroon ng kampi-kampihan ang kanyang mga anak. Umabot pa sa puntong ayaw na nilang magkaroon ng anumang koneksyon sa isa't isa.

"Ang feeling ko lang... one time parang I joked 'Anong pinag-aaway ng mga anak ko?' Feeling ko sabi ko ako," kwento niya.

Minsan pa raw, kahit simpleng paggamit niya sa van na regalo ng isa sa kanyang mga anak ay nagiging dahilan ng tampuhan sa iba. May ilan din na kasama niya lang isa sa kanila, magagalit bigla ang iba.

Pero nilinaw ni Inday na wala siyang paboritong anak, "Because I have never treated anyone differently from anyone. Sayang no? But then people always say envy 'yan, rivalry 'yan. I think so too."

Inalala rin niya ang kanilang viral video kung saan nagka gulo ang magkakapatid sa lamay ng kanilang ama, si Miguel Barretto.

"Hindi ako nalungkot. What you see is what you get, ganu'n sila e," pahayag niya. "Gusto ko sila sampalin. Sila, ba't sila nag-away du'n. It did not affect me and you know what? Katawa-tawa because even in Iloilo sa palengke ng mga lola ko, they all know that my husband died because nag-away 'yung mga anak ko."

Sa kabila ng lahat, nananatili ang paniniwala ni Inday sa pagmamahal ng kanilang pamilya.

"This family, mag-away-away kayo but no one can beat the love that is in this family," sabi niya, na nanindigang ang bawat away ay bunga lamang ng sobrang sakit na nadarama.

"I will vouch for that, no family can maybe pantayan and surpass that this family knows how to love and really love deep."

Hindi na umano hangad ni Inday na magkabati pa silang lahat. Ito ay pinaubaya na lang daw sa Maykapal.

"I don't want my children to be together just that they do not be against to each other kasi dugo is dugo," paliwanag niya.

"I don't want them to heal kasi hypocrisy 'yung tawag d'yan. Wala, e. May kanya-kanya, 'di ko alam... I leave it to God. Maybe until something like that happens to one of their family, the one's who's itong isa peaceful trying 'yung isa 'to nagpapaaway. Wala na sa akin 'yan I did not do anything."

Sa huli, ang tanging dasal na lang ni Inday Barretto ay manatiling ligtas at malusog ang kanyang buong pamilya araw-araw.

Samantala, tingnan dito ang timeline ng Barretto Family feud dito: