GMA Logo The Witness
What's on TV

Indonesian-Filipino film na 'The Witness,' mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published March 4, 2026 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXO in Manila: Ticketing details, seat plan for 'EXhOrizon' concert
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City
Enrique Razon Jr. is richest Filipino in Forbes' 2026 Billionaires List

Article Inside Page


Showbiz News

The Witness


Kabilang ang Indonesian-Filipino film na 'The Witness' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies ang mga pelikula mula sa mga premyadong leading ladies ng Philippine showbiz.

Huwag palampasin si Rhian Ramos bilang ang bidang kontrabida sa My Kontrabida Girl.

Gaganap siya rito bilang Isabel, isang sikat na aktres na nakilala sa pagiging kontrabida sa mga soap opera.

Pagkatapos ng isang near-death experience, hindi na mapipigilan ni Isabel na magmaldita sa harap ng camera!

Para muling mahanap ang motivation bilang isang kontrabida, hahanapin niya ang taong pinakananakit sa kanya: ang ex-boyfriend niyang si Chris, played by Aljur Abrenica.

Tunghayan ang My Kontrabida Girl, March 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.



Tunghayan din ang 2012 Indonesian-Filipino horror action film na The Witness na pinagbidahan ni Gwen Zamora.

Gaganap siya rito bilang Angel, isang hotel manager na kalilipat lang mula Manila patungong Jakarta.

Siya rin ang tanging survivor sa isang massacre na kumitil sa buhay ng kanyang buong pamilya, kasama na rin ang kanilang maid at security guard.

Magsisimulang makita ni Angel ang aparisyon ng kanyang kapatid at itinuturo nito kung sino ang pumatay sa kanila.

Abangan ang The Witness, March 6, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.