
Hindi nagpahuli si 'The Legal Wives' actress Bianca Umali na makisali sa isa sa mga nauusong dance cover sa TikTok tampok ang awiting 'Inferno' ng half-Filipino influencer na si Bella Poarch at American singer na si Sub Urban.
Makikita sa video ang sweet and sexy moves ni Bianca suot ang hot pink one piece at purple cargo pants.
Source: bianxa (IG)
Ang nasabing video ay umabot na sa mahigit 5 million views sa loob lamang ng isang araw matapos ito i-upload.
@bianxumali ♬ INFERNO - Sub Urban & Bella Poarch
Napapanood ngayon si Bianca sa GMA primetime series na 'The Legal Wives' bilang si 'Farrah' na isang batang muslim. Kaya ang ilang mga Kapuso netizens na sumusubaybay sa serye, may paalala kay Bianca (Farrah) sa comment section.
Source: screenshots from TikTok
Kabilang din si Bianca Umali sa dark fantasy thriller series na 'Halfworlds' sa direksyon ni Direk Mikhail Red na mapapanood sa HBO Asia Original Series.