
Sa isang heartfelt Instagram post, hindi napigilan ni Iñigo Jose ang maging sentimental sa kaniyang pagbati para sa bagong taon.
Binalikan niya ang kaniyang naging journey nitong nakaraang 2025 kung saan aniya ay puno ng mahahalagang lessons, obstacles, at success.
Nagpasalamat si Iñigo sa Panginoon sa lahat ng mga “highs” o sa mga natanggap na biyaya sa nagdaang taon. Ayon pa sa kaniya nagpapasalamat din siya sa mga “lows” sa kaniyang buhay o ang mga pinagdaanan na sumubok at nagpatatag sa kaniya.
“Thank you God first and foremost for all of the people, the lessons, the highs [and] lows, the moments that tested my character, the relationships I've built this year, and all the obstacles you put in my way,” pasasalamat ni Iñigo.
Ayon pa sa kanya, sinabi niya sa kan'yang ina na magiging "different" ang 2025 para sa kaniya.
"[The year] 2025 was going to be 'different' I told my mom… I loved every moment I had,” sabi niya.
Isa sa mga highlight ng kaniyang post ay ang pasasalamat sa kaniyang "core" group at sa lumalaking suporta mula sa fans.
“Thank you to my core for always being with me and supporting me! I love you all. Wouldn't have made it to 2026 if it weren't for you guys,” ani Iñigo.
Labis din ang pasasalamat ni Iñigo sa kaniyang pamilya at sa mga supporters na patuloy na sumusuporta sa kaniya at “tumupad sa lahat ng pangarap niya sa buhay.”
“Last but never the least, maraming salamat sa lahat ng sumusupporta sa akin at sa pamilya ko, ng matupad lahat ng pangarap ko sa buhay!” sabi niya sa kaniyang post.
Dahil sa walang humpay na suporta, hindi inakala ni Iñigo na matatapos niya ang taon na may “mas malaking pamilya.”
Tinapos niya ang kaniyang mensahe sa pagbati ng isang “fruitful” na bagong taon para sa lahat: “Di ko po ine-expect na aalis ako ng 2025 ng may mas malaking pamilya… Wish ko para sa inyo lahat ay maging fruitful ang inyong 2026! God bless everyone!”
Isa si Iñigo sa mga housemate sa ikalawang edition ng PBB Celebrity Collab. Kamakailan lang ay lumabas na siya sa loob ng Bahay ni Kuya matapos ma-evict kasama ang kapwa housemate na si Lee Victor.
Punong-puno ng pasasalamat si Iñigo sa lahat ng sumuporta sa kaniya, at excited na raw siyang harapin ang mga bagong opportunities ngayong nasa "outside world" na siya.
Related Gallery: Get To Know PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Housemate Iñigo Jose