
Isa si Iñigo Pascual sa Filipino celebrities na nagkaroon ng pagkakataong maging bahagi ing isang Hollywood project.
Ang binatang anak ni Piolo Pascual ay isa sa mga main cast American TV series na Monarch, na pinagbidahan ni Hollywood actress Susan Sarandon. Dito, gumanap si Iñigo bilang Ace Grayson.
Sa pagbisita ni Iñigo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 23, binalikan niya ang karanasan niya sa pagganap bilang si Ace Grayson.
“I was nervous. I was nervous as heck. Sobrang kinakabahan ako going into it,” sabi ni Iñigo.
Nakatrabaho rin niya sina Trace Adkins at Joshua Sasse sa naturang programa.
“Everyone was so nice. As in kung ano 'yung parang pamilya na treatment natin dito, gano'n din sila," sabi ni
Ibinahagi rin ng aktor ang kaibahan ng pag-shoot sa America, kumapra sa Pilipinas. Isa na rito ang pagpunta niya sa set nang mag-isa, hindi katulad sa Pilipinas kung saan pwedeng magsama ng road manager o handler.
“Susunduin ka pero ikaw lang talaga pupunta mag-isa sa set. And siyempre ako, first experience ko 'yon,” sabi ng aktor.
TINGNAN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA GUMANAP DIN SA INTERNATIONAL FILMS AND TV SERIES DITO:
Nang tanungin naman ni King of Talk Boy Abunda kung maganda ba ang suweldo ni Iñigo, ang sagot ng aktor, “Hollywood payment, kumbaga. Good naman po.”
Sa ngayon, bibida si Iñigo sa pelikulang Fatherland, kung saan ilan sa mga makakasama niya ay sina Allen Dizon at Richard Yap. Bukod dito, magkakaroon din ng upcoming project ang young actor sa America.
“I've been doing so many auditions, and I love the process of it. This coming 2025. I'm... not a lot to talk much about it, but I'm gonna be doing another film in the States where I'm gonna be the lead for it. So I'm excited,” pagbabahagi ng aktor.
Panoorin ang panayam kay Iñigo dito: