
Nagbabala si Inka Magnaye sa publiko na mayroong gumagamit ng pangalan niya para umutang ng pera.
Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Inka ang ilang arawan kung saan isang nagpapanggap na siya ay nanghihingi ng pera sa iba't ibang kadahilanan.
Sa tatlong screenshot ay sinabi ng nagpapanggap na Inka na na-limit ang kanyang bank account kaya humihiram ito ng pera para makapag-book ng ticket papuntang Japan.
"SCAMMER ALERT. Someone's pretending to be me to steal money from people. FYI I would never ask anyone to front me money like that," paalala ni Inka sa caption.
Hindi lang si Inka ang naging biktima ng masasamang loob dahil ginagamit din nila ang pangalan ng ibang celebrities para mang-scam.
TINGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGBABALA NA HUWAG MANIWALA SA MGA MENSAHENG MAY PANGALAN NILA SA MGA LARAWANG ITO: