Article Inside Page
Showbiz News
Paano napabilib ni Gwen Zamora ang kanyang mga co-stars sa 'Innamorata?' Here's what they have to say.
By AEDRIANNE ACAR
Super impress ang mga co-stars ni Gwen Zamora sa Innamorata dahil sa napakagaling daw nito bilang Alejandra.
Wala nga tulak kabigin ang lead star ng soap na si Max Collins kay Gwen.
“Panalo si Gwen. Nakakatuwa siya kasi minsan 'di ba 'pag nawala siya sa character or parang tapos na kasi. Sobrang layo ng character niya sa totoong pagkatao niya. So hindi mo akalain na kaya niyang gawin yun nakakatuwa,” saad ng Kapuso actress.
Bilib din daw si Luis Alandy na gumanap bilang Edwin, dahil hindi raw biro ang mga lines ni Alejandra na puro malalalim na tagalog.
“Ang hirap actually, yung kay Gwen kasi minsan may times na medyo
hirap siya sa mga tagalog ang hirap kasi nung malalalim na tagalog na sinusulat,” saad ng aktor.
Pinuri rin ng Kapuso actor si Gwen dahil sa galing ng kanyang performance ay mas lalong nagmarka ang karakter nito sa mga manonood. Bukod pa riyan, challenge rin daw para sa dalaga na gampanan ang role na ito dahil malayong-malayo ang personality ni Gwen kay Alejandra.
“I think yun nga yung sinasabi nila she has to immerse into the character kaya bago niya mailabas talaga dun sa screen.”