What's Hot

'Innamorata' stars, all praises for Direk Don Michael Perez

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 8:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jillian Ward, nais na gawing private ang kaniyang love life
76-anyos nga lalaki, patay human nasunog ang iyang panimay sa Negros Oriental | Balitang Bisdak
Restaurant chain strengthens Philippine footprint through continued expansion

Article Inside Page


Showbiz News



Masayang ibinahagi ng 'Innamorata' stars na sina Gwen Zamora, Luis Alandy, at Max Collins ang kanilang working relationship sa kanilang direktor na si Don Michael Perez. Kuwento ng tatlo, very light ang trabaho nila sa show dahil sa kanilang direktor.
Masayang ibinahagi ng Innamorata stars na sina Gwen Zamora, Luis Alandy, at Max Collins ang kanilang working relationship sa kanilang direktor na si Don Michael Perez.

Kuwento ng tatlo, very light ang trabaho nila sa Innamorata dahil sa kanilang direktor.

Ayon kay Max, ang pinakagusto niya kay Direk Don ay binibigyan sila nito ng idea kung ano ang nais niyang makuha sa kanyang mga artista. Hinahayaan din daw silang paglaruan ang kanilang mga eksena.

Dagdag ni Max, “Kung ano sa palagay namin ang babagay sa character namin. Kunyari 'yung mga galaw namin or the way we speak, things like that. He'll really give it up to us but he'll just guide us. And sobrang galing niyang mag-guide”.

“Like sa story ng Innamorata, I remember one time, he told me na gusto niya para siyang Disney fairy tale. Parang ganoon, Disney fairy tale ang dating. Ang galing niya talaga mag-guide at ang ganda ng shots namin. And very professional si Direk,” saad ni Max.

Natutuwa naman sila dahil sa gaan ng kanilang mood sa set. Ito ay dahil ang kanilang direktor ay kalmado, kaya’t nagre-reflect na rin ito sa lahat ng kasama sa show.

“The energy on the set is very light. It's too light, everyone is kind and everyone is laughing. Like, ‘piss me off guys!’,” pabirong pahayag ni Gwen.

Dagdag ni Gwen tungkol kay Direk Don, “Super calm. You'll never see him get angry. Six in the morning na and he will still be calm.”

“Kaya lahat din kami ganoon e. Kasi it starts with the head [of the show],” masayang pagtatapos ni Luis.

Abangan sina Gwen Zamora, Luis Alandy at Max Collins sa Innamorata, Mondays to Fridays pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa iba pang updates mula sa inyong paboritong Kapuso stars, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com -Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com