
Sa ikaapat na Linggo ng Innocent Defendant, ang unang babae na minahal ni Reggie ay pumunta sa dati nilang tagpuan at nagtaka ito nang hindi siya nakilala ni Ronnie (Uhm Ki-joon) nang makita ito.
Labis naman na nabigla si Courtney (Kwon Yu-ri) nang malaman na sa katapat lamang na apartment ni Julius naninirahan dati si Elmo Lee.
Sa pagbisita ni Elmo kay Julius (Ji Sung) sa kulungan, nalaman ni Julius na buhay ang kanyang anak na si Hannah at kasama ito ng dating inmate.
Hindi naman alam ni Courtney kung paano ipagpapatuloy ang kaso ni Julius nang aminin ng dating prosecutor na pinalabas niya na siya ang kriminal upang mailigtas si Hannah at binago ang mga ebidensya para maging makatotohanan.
Iniisip na din Elmo ang kanyang susunod na hakbang matapos niyang iligtas si Hannah sa kamatayan noong siya'y nautusan na ilagay ito sa maleta.
Nalaman ni Ronnie na ang babaeng kanyang nakasalamuha ay si Jennifer Lee, na kaibigan ni Sandy (Uhm Hyun-kyung), at nagulat nang malaman na ito'y kabit ng kanyang namayapang kapatid.
Upang mabawasan ang kanyang problema, dinala ni Ronnie si Jennifer sa isang villa at doon tinapos ang buhay ng babae.
Matapos makasagasa ni Sandy ng isang lalaki, tinulungan ito ni Ronnie ngunit siya'y nahuli ng awtoridad at dinala sa presinto.
Pagpasok nito sa selda, agad itong nakilala ni Julius at naalala lahat ng nangyaring masasama na kagagawan ni Ronnie.
Sa pag-uusap ng dalawa, tinanong ni Ronnie kung hindi nga ba siya maalala ng dating prosecutor at sinabi ng una na wala talaga itong maalala.
Nangako naman si Julius kay Benny na tutulungan niya itong makalabas ng presinto sa oras na makatakas siya sa kulungan.
Huwag palampasin ang kapanapanabik na Innocent Defendant tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GTV.
Kilalanin ang cast ng Innocent Defendant dito:
Samantala, muling panoorin ang mga nakaraang pangyayari sa Innocent Defendant dito:
Innocent Defendant: Reggie's secret lover | Episode 16
Innocent Defendant: The shocking truth about Elmo | Episode 16
Innocent Defendant: Hannah is alive! | Episode 17
Innocent Defendant: A shocking confession from Julius | Episode 17
Innocent Defendant: Elmo's messed up case| Episode 18
Innocent Defendant: Ronnie's new problem | Episode 18
Innocent Defendant: Ronnie gets rid of Jennifer Lee | Episode 19
Innocent Defendant: The new inmate | Episode 19
Innocent Defendant: The truth behind the Wolha-dong murder case | Episode 20
Innocent Defendant: Benny meets the real enemy| Episode 20