GMA Logo Instant Mommy
What's on TV

'Instant Mommy' ni Eugene Domingo tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published March 18, 2022 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No winners of major lotto draws on Friday, May 1, 2026
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Instant Mommy


Isa ang 'Instant Mommy,' starring Eugene Domingo, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies.

Good vibes ang dala ng Instant Mommy, isang romantic comedy na pinagbidahan ni Eugene Domingo, ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Tampok dito si Eugene bilang Bechayda, isang TV commercial wardrobe assistant na nagkukunwaring buntis sa takot na hiwalayan siya ng kanyang Japanese fiance.

Anong mangyayari kung magkabukuhan na? Alamin 'yan sa Instant Mommy, March 20, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Tunghayan din ang 2019 film na Sunod starring Carmina Villarroel.

Sunod

Gaganap siya rito bilang single mother na si Olivia na mapipilitang pumasok sa isang entry-level position sa call center para kumita ng pangtustos sa kanyang bedridden na anak.

Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.

Abangan ang Sunod, March 18, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.