
“Next-level galing.”
Ganito inilarawan ng GMA Public Affairs executive na si Neil Gumban ang intense acting ng Sparkle actor na si Royce Cabrera sa pambansang revenge drama na Makiling.
Ginagampanan ni Royce dito ang karakter ni Ren, ang isa sa mga miyembro ng Crazy 5 - ang nakakagigil na grupo ng mg kontrabida sa serye.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Neil ang larawan ng isa sa mga eksena ni Royce habang ito ay binubugbog ng kanyang ama sa serye na si Ian De Leon.
“Sanay na ako sa amazing performances from our Spakle Stars, pero itong coming episodes ni Royce sa Makiling is next-level galing,” caption ng GMA Public Affairs executive.
Ang naturang post, ibinahagi rin ng Sparkle GMA Artist Center sa Instgram.
Sa simula ng kuwento ng Makiling, nakilala ang karakter ni Royce na si Ren bilang utusan at isang sunud-sunuran na pinsan ng mga Terra na sina Seb at Portia, na ginagampanan nina Kristoffer Martin and Myrtle Sarrosa.
Sa upcoming episodes ng Makiling, mas makikilala pa ang pagkatao ni Ren bilang isang malupit at mapang-abusong pulis.
Mapapanood din ang mas matitinding gantihan ng mga Terra at puwersa ng bida ng serye na si Amira na ginagampanan ni Elle Villanueva.
RELATED GALLERY: All the times Royce Cabrera proved that he's a great actor