
Isa ang Akusada sa mga serye ngayon sa GMA na sinusubaybayan ng Pinoy viewers tuwing hapon.
Related gallery: On the set of 'Akusada'
Nakatutok ang mga manonood at netizens sa naging pagbabago sa buhay ni Carolina Astor (Andrea Torres) matapos siyang mahatulan na not guilty at mapawalang-sala sa pagkamatay ni Joi (Max Collins).
Kabilang din sa patuloy na pinag-uusapan ay ang intense na mga kaganapan sa serye gaya na lang ng catfight scenes nina Carol (Andrea Torres) at Roni (Lianne Valentin).
Invested din ang viewers sa love life ni Carol. Marami sa kanila ang kinikilig sa tambalan nina Carol at Wilfred, ang mga karakter nina Andrea Torres at Benjamin Alves.
Ang iba naman, gustong-gusto si Dennis (Arnold Reyes) para kay Carol at marami ring mga natuwa sa kanilang love team.
Kinagigiliwan naman sa serye si Lia, ang karakter dito ng Sparkle star na si Jourdanne Baldonido.
Isa pang love team na nagpapakilig sa viewers ng Akusada ay sina Ashley Sarmiento at Marco Masa na kilala bilang AshCo.
Huwag palampasin ang susunod pang pasabog na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.