
Habang papalapit ang finale, mas lalo pang umaapaw ang energy sa dance floor dahil patindi nang patindi ang collabanan sa Stars on the Floor!
Sa social media, kinagiliwan ng netizens na ibahagi ang kanilang mga paboritong dance star duos matapos ilabas ang bagong teaser kung sino ang tatanghaling ultimate dance star duo para sa finale.
Hindi rin napigilan ng dance universe na ipakita ang kanilang excitement dahil naging kaabang-abang na para sa kanila ang naturang programa. Umani rin ito ng papuri hindi lang sa dance stars at dance authorities, kundi pati na rin sa host na si Alden Richards.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa intense na collabanan sa Stars on the Floor:
Umarangkada rin ang September 6 episode dahil nagwagi muli ang dance show sa ratings na nagtala ng 9.4%. Samantala, ang katapat nitong programa ay nakakuha ng 4.7%.
Abangan pa ang mas tumitindi at mas pasabog na collabanan sa dance floor sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA!
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':